Friday, March 17, 2006

Between Sardinas at Tinola

Again, nag-intensify uli ang digmaan between sardinas at tinola. Kaya sa paggising ko kanina, isang nilalagnat na tula ang aking nai-anak.

Diliryo

Nakaapak sa lupa ang mga walang muwang,
Habang bawat talulot ng nalalantang halaman
Sa kasukalan
Ay unti-unting nalalagas
Walang patid
Ang ubo
Ng bagong salta
Sa gubat na isinumpa
Ng mga makina sa kaparangan
Mga magdyadyaryong walang ulo
Mga duguang magbobote
Ayaw kong balikan ang mga paninda
Ng tinderang nagsusuka
Ng tsismis sa bawat kanto
Butas ang bulsa ng mga pasahero
Kaya sumigaw
Itigil! itigil!
Ang kawalanghiyaan
Ng mga CAFGU, sundalo
At mga vigilanteng sira-ulo
Habang nakapila-balde ang mga ungas
Na ngumunguya ng chewing gum
Naghihintay sa mga putting kuwago
Upang pamahagian
Ng whiskey, spam
At tsokolate
Nagbibilang ang mga walang binibilang
Nagbabasa ang mga walang binabasa
Umiiyak ang mga tumatawa
Kanino?
Kanino ang bayang walang anino?
Isabit sa sampayan
Ang mga bitukang walang laman
Ibilad hanggang mag-apoy
Sapagkat ang mga damit mong nabili
Ay walang amoy…
Kaya halina!
Silaban ang tubig
Ng umagos ang ilog
Patungong Dabaw…
Dahil sa bukid
Uhaw sa ulan ang mga kalabaw…

0 Comments:

Post a Comment

<< Home