"Mahirap mag-isip kung walang laman ang utak. Pero mas mahirap mag-isip kung walang laman ang tiyan." Uhm, hindi ko po motto 'yan. Motto yan ni kuwan... Pero minsan hinihiram ko rin yan... Sa buong araw kasing umaandar ang makina ng utak, minsan parang ayaw ng gumulong ang mga bolitas...dahil nagsi-aklasan na ang mga braincells sa gutom... Welga!!!
Hindi ko maiwasang magdura ng mga kataga...
Kabarkada na pala natin sina Instant Pancit Canton, Noodles at Sardinas
Simula ng mag-aklas ang buong sandatahan ng mga bituka natin sa tiyan
at magpiket ng ilang buwan,
hindi man lang natin namalayan,
barkada na pala natin sina instant pancit canton, noodles at sardinas.
Halos araw-araw kasing sa opisina
depressed si kaldero at plato.
Paano? denuded na ang gulayan
sa likod-bahay, kung saan gumagala ang mga pusa sa kanal.
Kaya sa tuwing nilulusob ang ating tiyan
ng kung ano-anong organismo sa loob,
agad takbo sa tindahan, nang makautang
para may pamasahe ang mga barkada nating sina instant pancit canton, noodles
at sardinas
papuntang kusina ng ating opisina kung saan
ang mga kutsara at plato ay may tampuhan…

0 Comments:
Post a Comment
<< Home