Friday, March 17, 2006

Isang Gabing Nagbantang Sasalakay Ang Mga Aliens

Walang maibigay na dahilan ang utak
sa tuwing nagtatanong ka ng bakit
sa mga bagay na hindi bagay.
Gusto mo mang uminom ng kape
pero walang kape
dahil wala kang pambili.
Kaya, ayun, lumabas ka na lang ng bahay.
Naglakad. Sumisipol.
Hanggang matisod mo ang isang lata ng sardinas.
Sa wakas. Makapaghapunan ka na rin at last.
Kaya, mabilis kang humakbang pabalik.
Excited na sigurado ang tiyang nanghahapdi. Sabik na sabik.
Pero. Ano eto?
Ano ito’t bigla kang napatigil?
(sa lakas ng brake uminog ang bilbil)
A strange light flashes…
Weird. Hindi ito bulalakaw o kidlat.
Kaya nagtanong ka uli sa iyong utak…
Is that a UFO?
Utak: Im not sure, basta alam ko there is a prophecy…
Aatake daw ang aliens ngayong gabi…

0 Comments:

Post a Comment

<< Home