Sunday, March 19, 2006

Hayaan nyo muna akong magkwento. Kagabi, napanaginipan ko si Gretchen Baretto. Nagmamakaawa sya sa akin. Itanan ko na raw sya. Shempre, para di nya sabihing easyboy ako, tinanggihan ko sya. Pero panay pa rin ang hagulhol nya. "Huhuhuhu... Itanan mo na ako.. Itanan mo na ako..." Hanggang sa di ko na nga sya matiis, tinanong ko sya; "Paano na ngayon ang fucking bastard mong asawa? Si Tony Boy Cojuangco..." Wala syang isinagot kundi huhuhu... Tanong ko uli; "Are you ready to leave all the luxuries of life behind?" Wala na naman syang isinagot.Hanggang sa tuluyan na nga akong nabuwisit. At doon ko na lang nalaman na yon pala ay isang panaginip.

Alam ko walang sense ang ikinwento ko. Gusto ko lang kasing sabihin, walang sense din ngayon ang araw ko. Kaya kanina, naisipan kong sumigaw ng Fuck You!!! Fuck YOu!!! Fuck yoU!!!
Pero di ko ginawa shempre. Baka kasi maalarma ang mga neighborhood at tawagan ang CIDG; "Hello Sir, may isang tibak po ditong nagaamok ng away." Hehehe... Eh di ang cheap ng kaso ko pag nakulong ako. Kaya mas maganda na yong makulong ka dahil sa pinaninindigan mo ang iyong paniniwala. Yong makulong ka dahil sa kasong pulitikal. Hindi kriminal.

At dahil mejo praning ako ngayon, magsisinga muna ako ng tula.

Blah…Blah…Blah… and so on…

Sandali lang
Bago mo husgahan
Ang nagmumurang tula
Ng aking mga eccentricities
Bakit di mo muna sisirin
Ang namumuong ambiguities
Ng ating relasyon.

Kilala ba kita?
Kilala mo ba ako?

Anong papel mo sa buhay ko?

Hindi open book ang nakalatag kong akda.
Bago mo pa man dilaan ang mga titik ng aking tula
At nguyain ng nguyain
Para lamang iluwa,
Pwede ba,
Kilalanin mo muna ang diyos ng nagmumura kong tula.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home