Thursday, March 23, 2006

Nostalgia

DALAWANG SAKNONG NA TULA NG MINSANG BUMISITA SI NOSTALGIA

I
Di ko maiwasan ang nostalgia sa iyo mahal
Sa tuwing mapadaan o mapunta sa lugar na dati mong napuntahan
Ng ang mga hangin ay bitbit pa rin ang iyong mga larawan
At ang mga sulok ay ibinubulong pa rin ang iyong pangalan.

II
Sabik pa rin ang puso sa iyo mahal,
Kung pwede lang sana yakapin ang iyong alaala
At hagkan
Di sana’y maibsan ang nagmumurang pangungulila.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home